
Top: BOUGHT IN JAPAN; Pants: AMERICAN EAGLE OUTFITTERS; Sneakers: CONVERSE; Cap: FOREVER 21; Sunglasses: RAYBAN
Nagtatampo ako kay Alvin today.
He just came home from a biglaang 4 days and 3 nights business trip yesterday. Olats nga because I’m fertile the whole week this week. We even had this conversation last Sunday night.
ME: Babe, may hihingin sana akong favor.
ALVIN: Ano yun?
ME: Fertile kasi ako the whole week starting Monday to Thursday. Pwede ba araw arawin natin nitong linggo baka sakaling mabuntis ako?
ALVIN: Osige. Isang libo.
I swatted him. Leche.
ALVIN: Umaasa ka pa din ba?
ME: Oo naman. I decided that this is the last year na gusto ko magtry ng baby. After this year, ayoko na talaga.
ALVIN: Hindi pwede yun.
I dunno with my husband. Balak niya ata akong ilaban sa oldest woman to give birth sa Guinness Book of Records.
Anyway, so he went home na nga yesterday afternoon. We spent the evening watching two movies on Netflix and then nagyaya na si Anika matulog.
ANIKA: Nanay, I will sleep in my room tonight.
Yeah baby!
I went with her to her room to tuck her to bed. I stayed for a bit until makatulog siya kasi we have our kwentuhan time pa before sleeping. Eh naka-idlip ako. I woke up around 1130 pm. I got up and went to the living room. Wala ang Alvin. I went to our room and lo and behold, tulog na tulog na lolo niyo. Okay sana if yung naka-pwesto siya like yung sa sobrang pagod, nakatulog lang. Alam niyo yun? Hindi eh. Ang sarap ng pwesto niya. Para talagang pinagisipang matulog and nagpa-comfortable pa bago matulog.
Nainis nga ako. I slept in Anika’s room. However, I couldn’t sleep because it was like I did a power nap. Nakatulog na kasi ako ng mga 30 minutes while I was waiting for Anika to sleep. So I was up all night listening sa mga tilaok ng manok. Lekat na mga manok talaga yan. Hating gabi na, tumitilaok pa!
This morning, he woke up while I was getting ready for work. He asked why I didn’t sleep beside him. Sabi ko nagtatampo ako because he didn’t wake me up to transfer to our room to sleep beside him. Sinuyo naman ako kaso yung suyo na hindi naman tumatayo sa kama. Hindi ko nga pansinin.
Actually, it’s not naman about making the baby. Yung feeling ba na ang tagal niyang nawala tapos gusto ko naman to sleep together in our room. Wife echos lang siguro itey and it will pass. For the meantime, bahala siya sa buhay niya. Nagtatampo talaga ako.
Why are husbands so dense, ano?